Huwag Kang Suwail Miguel

 

Huwag kang suwail Miguel!

Sa iyong kalikutan ikaw ay tumigil

Sapagkat mahirap na ika’y masupil

Sa ingay at kaguluhan ika’y magpapigil.

 

Iwasan mong saktan ang iyong kaklase

Sa mga laro’t gawain ikaw ay sumali,

Irespeto ang iba at maging kawili wili

Ang iyong pagbabago ay aming ipagbubunyi.

 

Tamang gabay ang aming panuntunan

Dito sa loob ng paaralan at sa buong pamayanan,

Kaya’t bigyan mo kami ng ibayong kahalagahan

Makinig sa aming sinasabi kung ika’y nahihirapan

 

Huwag mangamba at handa ka naming tulungan

Anumang problema, sabay nating masusolusyunan,

Kung ikaw lang ay aasal ng kabutihan

Naririto kami para iwaksi ang iyong karupukan.

 

Kaming mga guro ay para mo na ring ama at ina

Bibigyan ka ng paalaala sa tuwing ikaw ay sumusobra,

Maging mahinahon ka sana sa tuwi- tuwina

Tatanglawan namin ang daan kung saan ka pupunta.

Leave a comment